Wednesday, October 23, 2013

2B1: CHAPTER 1: Gravity

Chapter 1: Gravity

CAM’s POV

      “The law of gravity states that…”
      Hay naku, ang boring naman ng reporting na ito.
      “Psssst.” Tumingin naman ako sa tabi ko. Hay naku, si Torres nanaman.
      “Torres, bakit ba?!”
      “Bored na ko eh, wla naming kwenta tong reporting na to. Tara, cut tayo!”
      “Gago k aba?! Gusto mo bang i-singko tayo ni Sir Not ?”
      “Sus, di naman niya malalaman eh. Tingnan mo ng ginagawa ng lokong yan.”
      Tumingin naman ako sa kinarroroonan ni Sir Amorsolo Namamanot. Ay ang lintik, natutulog. Tumingin naman ako ulit kay Torres, tapos nakita ko siyang nakangiti.
      “Oh ano, diba sabi ko sa’yo eh.”
      “Sige na nga. Tara, tutal last period naman na eh.”
      Dahan dahan kaming lumabas ng room. Yung tipong mga mission imposible na style, tip toeing and such. Hawak niya yung kamay ko habang papalabas na kami nung room, well yung wrist ko yun actually pero for all literary intents and purposes, ikokonsider ko yun na kamay ko. :P
      Habang naglalakad kami sa hallway hawak parin niya yung kamay ko so parang it turns out na hinihila niya lang ako. Ang weird ng lalaking ito ngayon eh, kasi kaninang umag parang abd trip tapos ngayon parang ewan bigla nalang nagyayang mag-cut. At sa lahat naman ng yayayain ako pa talaga ang hinila.
      Tiningnan ko ang likod niya habang kinakaladkad niya ako. Nakatingin lang ako sa likod niya, yung buhok niya makintab tapos nagbobounce tapos mukhang malinis tinganan. Tapos yung shoulders niya broad na tipong kapag yinayakap ka eh feeling mo ligtas ka. Ok, naghahallucinate nanaman ako.
      Pabilis ng pabilis paglalakad ni Jose Luis Torres IV. Nandito na kami sa may pool. Teka, parang humuhigpit narin ang kapit nito sa kamay ko ah, nasasaktan na ako. Hinihingal narin ako.
      “Teka, teka nga muna Torres. Saglit lang ha. Ang higpit nang hawak mo sakin eh. Di na tama yan ha. Tska wet lang, hinihingal na ako.”
      “Arte mo.” Sabay tigil sa paglalakad at bitaw sa kamay ko.
      “Bakit ba ang bipolar mo ngayon ha?!” With hingal factor.
      “Basta.” Di pa niya ako hinaharap. So lumakd ako para makaharap ko siya, tapos nagulat ako sa nakita ko.
      “Oi shi! Jose Luis Torres IV, luha ba yan ha?! Ampupu mo namna eh, bakit ka umiiyak?!” Hinawakan ko yung mukha niya at pinihid ang luha sa pisngi niya.
      “Oy, umupu nga muna tayo sandali.” Nung una ayaw pa niya magpahila sakin pero eventually sumuko rin. Di kinaya powers ko. Hahahaha!
     
      “Lulu, bakit ka umiiyak? Di ako sanay na nagkakaganyan ka.” Nalilingid narin ang luha sa aking mga mata.
      Ayaw magsalita ni Lulu, naaalarma na ako. Huli ko siyang nakitang mgakaganito 8 years ago nung mamatay mommy niya. Sobrang lungkot na lungkot ako nun kasi mahal ko rin si Tita Lea, ninang ko yun eh tapos bestfriend pa siya ni mommy ko.
      “Lulu, talk to me.” Tumutulo na ang mga luha ko.
      “Lulu naman eh,kausapin mo naman ako. Humarap ka naman sakin oh.” Hinawakan kong muli ang mukha niya tapos pinilit kong humarap siya sakin. Napili ko naman kaso nung tiningna ko mukha niya, nakapikit naman ang mga mata niya.
      “Torres IV buksan mo yang mga mata mo, and look at me straight in the eye.” Ayaw pa niya. Humihikbi na talaga ako and alam kong alam niya na umiiyak na ako ng todo kaya bumukas na sa wakas ang kanyang mga mata. Tinitigan niya ako, tinitigan ko rin siya sa mga mata at basing basa ko na intensity 8 yung lungkot niya. Hinawakan ko ulit mukha niya.
      “Lulu, bakit ka nagkakaganyan? Hindi ako sanay.” Panihid ko ang mga bagong luha na nanggagaling sa kanyang mga mata. Tapos ganun din ang ginawa niya sakin.
      “Andrama mo. Umiyak lang ako, tinapatan mo naman agad-agad.”
      Sinampal ko nga noo niya! Gagu siya eh.
      “Aray Claurille Annalise Mercule ha! Sobra nay an!”
      “Anong sobra ka diyan. Iiyakan mo ko tas di mo ko kakausapin iiyak kalang tapos heto namna ako alalang-alala sa’yo kasi para kang ewan di ka nagsasalita umiiyak ka lang tapos nung kausapin mo ko joke time lang?! Timang ka pala eh! Kulang pa yan! Nag-cut ako ng class tapos gaganyanin mo lang ako. Alam ko sa’yo na ang lahat tinalo mo pa si Daniel Padilla, pero intindihin mo rin naman yugnfeelings ko. Bigla ka nalang mag-gagaganyan out of the blue. Di mo kasi naiintindihan. Di mo naii…”
      Hindi pa ko tapos sa pagspeed-talk ko nang bigla niya akong niyakap. Niyakap niya ko ng mahigpit, tapos nawala na agad galit ko sa kanya. Hayyyy….
      “Sorry na po mama, kung nag-alala ka sakin.”
      “Naman eh!!! Ang unfair mo! Bakit ba hindi ko kayang maglit sa’yo kapag ganyan na.”
      “Ganun talaga. Mahal mo ako eh.”
      “Siyempre naman.”
      Nagulat ako sa sinabi niya at mas lalo akong nagulat sa sinabi ko. Mga 5secs bago naprocess ng utak ko yung nangyari.
      “uhhhh….” Pumiglas na ako sa yakap niya.
      “Oh bakit?! Ayaw mo na ba sa bear hug ko.” With matching pa-cute effect pa.
      “Hi-hi-hindi! Eh, kasi…uhhh… Tara na nga umalis na tayo!” Tumayo na ako at inunahan siya sa pag-punta kung saan nakpark yung car niya.
      Takte, bakit niya sinabing mahal ko siya at bakit ko rin sinabi na oo?! Ay timangengeng lang! Ampupu! Ang awkward nun! Sabagay kung di ko ba siya mahal eh, di ako tatagal sa pagsama sa lalaking itu! Hay naku, ang talitalino at ubod ng gwapong nilalalang na ito ay super complicated minsan nga nakakabaliw eh. Ako narin kasi ang nakasama niya sa mga madidilim na sandal ng buhay niya (Knox, madidilim na sandal talaga) kaya siguro nasabi niya un.
      Narinig kong nag-open na yung car kaya pumasok na ako agad. Bumukas ang pinto sa driver’s seat. Nilagay niya ang keys sa ignition tapos inistart niya na.
      “Saan ba tayo pupunta? Tska dinidistract mo ko. Ano ba talaga meron sa’yo ha?!”
      “Andami mo namang tanong eh. Malalaman mo rin, pero for now trust me nalang kung saan tayo pupunta and shut muna your mouth.”
      “Abay taalga nga naman! Ako pa ngayon ang gusto mong magshut-up ha! Eh siyempre  hindi mo naman maaalis sakin yung mag-alala ako kasi naman diba…”
      “Sabi ko diba shut up muna. Kulit mo naman eh.” Inopen niya yung player sa car. Nagplay yung isa sa mga favorite namin, “Little Talks”.
      “Eh kasi naman eh. Hindi ko talaga maintindihan kung baki…” Napatingin ako sa accelerometer, F*ck! Ambilis namin! “Jose Luis Torres IV! Nagpapakamatay ka ba?! Gagu ka! Gusto ko pang makita mommy ko mamaya at makakain ng Blueberry Cheesecake!” Then pagtingin ko naman sa harap, babangga na kami!
“Shit JoseLuisTorresIV! Babangga na tayo!!” Tayo he swerved and laughed!
“Gago ka talaga! Wag ka ngang tumawa diyan! Muntik na tayong bumangga eh! Oh, my precious life! Huhuhu! Tumulo nnaman ang mga luha ko!”
      And out of the blue bigla niyang inilapit yung mukha niya sakin, prineno ng malaks yung car tapos tinitigan niya ako. Iheld my breath and hindi ko alam kung dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko o dahil sa takot kong baka bumangga kami.
      “Claurille Annalize Mercule, you are one naughty little girl. Sabi ko naman kasi sa’yo shut your mouth.” Pinihid niya yung luha ko  tapos niyapos niya yung buhok ko. “Sige na tama na huwag ka na umiyak. Lika nga dito.” Niyakap niya ko ng mahigpit.
      “Gago ka eh!” Naiyak pa ko lalo tapos pinlao ko pa yung braso niya.
      “Kasi naman eh ang kulit mo. Sasabihin ko naman sa’yo kaya nga kita hinila rito eh. I just need you to be quite and enjoy the ride. Don’t you want that?”
      “Gusto.”
      “Eh, gusto mo naman pala eh. So, no more nagging na okay?!” He un embrace me and held my face.
      Tunmango nalang ako. Ala na ako ma say eh. Anlakas lakas lang talaga ng lalaking ito sa akin eh. Unfair na talaga ito.

      He again started the ignition and we traveled quietly listening only to the songs from his player. I am still clueless on where we’re going but I trust him. I trust him with all of my life, and I know as long as I’m with this guy I am safe. I trust him so much that I slowly fell into a state of a dreamless sleep.

No comments:

Post a Comment