Wednesday, October 23, 2013

2B1: Chapter 2: This Ain’t Goodbye

CAM’s POV

      “Bing, bing gising na.” Narinig ko boses ni LuluBogs. Eh, nakatulog ako sa tagal ng biyahe naming. Teka, san ba ko dinala ng lalking itu?
      Binuksan ko ang aking mga mata. Ilang seconds pa bago naka-adjust yung mga mata ko mula sa pagkakagising. Tumingin ako sa paligid, tapos hinanap ko na  si Lulu.
      “Good Evening, Bing! J Coffee you want?”
      “Evening din! Coffee?! Eh, alam mo naming di ako umiinom niyan eh.”
      “Pano yan coffee lang nabili ko tapos cinnamon roll.”
      Pagkasabi niya ng cinnamon, nanlaki agad ang mga mata ko. Shet, peyborit ko yun!
      “CINNAMON! CINNAMON! ASAN NA ANG CINNAMON?”
      “Sabi ko na nga ba eh. Maghyhyper mode ka kaagad once marinig mo ang cinnamon.”
      “Of course. Favorite ko yun eh. Sayang lang di mo naalala hot chocolate ko. Hmph! Asan na ang CINNAMON roll ko?!”
      “Backseat!”
      Kinuha ko kaagad yung nasa backseat! Nagulat ako kasi may hot choco na kasama tapos may mallows pa! Ayshit! Heaven is a place here on earth! Nanlaki ang aking mga mata at tumulo ang laway musa sa aking dila sa sarap ng pagkain. Para akong bata na nakatanggap ng present twing Christmas.
      “Kala ko ba coffee lang inorder mo?”
      “Ayaw mo ba?”
      “Ehhhhhhh!!! Ikaw talaga Bogs! Lab na lab mo talaga ako eh! Salamat Luluboi!”
      “Sus para yan lang.”
      “Teka nga pala, asan na nga pala tayo?”
      Tumingin ako sa labas, tapos nakita ko yung view. Lumaglag ang panga ko sa sobrang ganda nung overlooking ng mga skyskrapers! Alam ko yung place na ‘to!
      “Bakit dito tayo nagpunta Bogs?” Habang kinakain yung mainit pang cinnamon roll. Gravacious ang sarap sarap talaga niya. Paano kaya nabili ito ni Lulu, hindi ko namalayan na nagstop over kami.
      Aba, no comment itong kasama ko.
      “Hui! Di mo ba ko narinig, bakit dito tayo nagpunta ha?”
      Seryoso siya habang umiinom ng coffee. Pusta ko may cinnamon din yung kape niya. If I know, mahilig rin itong mokong na ito sa mga pagkaing gusto ko. Lololol!
      Mga 5mins pa ng awkward silence ang lumipas ng magsalita si Lulu.
      “Bing, pupunta na ako ng Amerika.”
      “Talaga…” Di agad na process ng utak ko yung sinabi niya. Nung natauhan na ako…
      “What?! Pupunta ka na ng states? Bakit naman biglaan?” Hinampas ko nanaman siya sa braso. Medyo naiiyak na ako.
      Umilag si Jologs.“Teka teka! Nananakit ka agad? Agad-agad?! Medyo matagal na itong naplano ni Dad. Di ko lang masabi sa’yo kasi, alam ko ganyan magiging reaction mo.”
      Speechless ako. Hinayaan ko nalang na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Grabe ilang beses na akong umiyak ngayong araw ha.
      “Claurille Annalize Mercule, umiiyak ka nanaman ba ha?!”
      Obivious ba?! Di na ako sumagot, siya din naman kanina eh.
      “Hui! Lika nga dito. Ang iyaking bata mo talaga.” He embraced me, and kissed my forehead. Lalo pa akong napaiyak nung ginawa niya iyon.
      “Oh, tingnan mo yan, mas lalo pang umiyak. Tsk, stop na Bing, Cambing.”
      Pumiglas na ako sa pagkakayakap niya sa akin.
      “Sana sinabi mo sa akin ng mas maaga para naman nakapaghanda ako kahit kaunti. Sobrang mamimiss kit alam mo ba yun?! Nasanay na kasi ako na lagi kang nadyan sa tabi ko araw-araw.”
      “I know, I know. Akala mo ba gusto ko rin na malayo sa’yo? Kung alam mo lang Bing. Hindi ako mapakali sa tuwing wala ka sa paningin ko. Napaparanoid na ata ako eh.” Hinawakan niya yung mukha ko at tiningnan niya ako sa mata. “Ikaw nalang mayroon ako since mawala si Mommy. Sa’yo nalang ako kumukuha ng lakas.” Tumulo na ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
      Medyo natunaw ang aking puso sa mga sinabi niya. I never knew that I am this important to him. I embraced him.
      “Awwww…Luluboy, stop crying na hindi bagay sa’yo. Knocks naman kung kalian ka paalis saka ka naging expressive. Alam ko naman na kaya natin yan. Pwede pa naman tayong mag-skype eh. Araw-araw kitang kakausapin, hanggang sa magsawa ka na sa pagmumukha ko. Araw-araw kong ikukwento sa’yo ang mga misadventures ko.”
      “Ayusin mo lang CamBing. Kapag nalaman ko lang na may masamang nagyari habang wala ako eh uuwi ako agad dito sa Pilipinas, ora mismo.”
      “O.A mo ha! Ano ka tatay ko? Boyfriend ko? Hahaha! Ok lang yan nandyan naman si Jeron kapag wala ka na. Hahaha!” Bigla siyang pumiglas sa embrace naming. Tapos parang nagalit ata. Juiceko ano nanaman ba ag ginawa ko?
      “Ano yung sinabi mo? Ulitin mo nga?”Seryo talaga yung mukha niya. Natatakot akechi!
      “Huh?! Ano ba yun? Tska bakit ano nanaman ba ang ginawa ko?”
      “TATAY? BOYFRIEND?! JERON?!”
      “Ah yun ba, ito naman eh parang joke lang naman. Chill lang bro.”
       
      Binuksan ni Torres ang pinto ng kotse niya at lumabas. Siyempre sumunod naman ako kasi baka iwan ako nito, ala pa naman akong dalang driver’s license.
      “Hui! Parang joke lang eh.”
      “Jeron pala ha. Sige magsama kayo ng Jeron mo. Akala mo.”
      “Luluboy naman eh. ‘Wag mo akong iwaaaa”eh natapilok ako. Shi.. parang na sprain ata yung right ankle ko. Di ako makatayo. Naiiyak na ako sa sakit. Tapos naramdaman ko parang may bumuhat sa akin. ‘Di parin talaga niya ako matitiis.
      “’Yan na nga bang sinasabi ko eh. Paano ako aalis niyan kung ganyan ka hindi ka marunong mag-ingat?! Ipinagmalaki mo pa sa akin yang Jeron nay an. Nandito ba siya ngayon ha?! Ikaw matalino ka naman, hindi ko lang talaga maintindihan kung timang ka lang o manhid ka talaga!”
      Dahan-dahan niya akong inilapag sa may kotse niya. “Teka, teka. Ano ba yang mga sinasabi mo? Hindi na kita ma-gets.”Sabi ko sa kanya.
      Pinalo ako sa noo! “Aray ko naman! Masakit yun ah.”
      “Tama lang yan sa’yo. Kita mo nang tayo yung magkasama tapos ibang tao pala yang nasa isip mo! Masakit yun ah. Pagkatapos ng mga nasabi ko sa’yo ngayon ganyan ka! Hindi mo ba naiintidihan yung gusto kong iparating sa’yo? Ha? Hindi mo ba narinig nung sinabi ko sa’yo na MAHAL na MAHAL kita?”
      Dumbfounded ako. Ano ‘to nagprofess siya ng love, pagalit?
      “Hahahaahhaahahahahahahahahaha!” Hindi ko alam kung bakit ako tumawa, pero natawa ako eh. Binitawan niya ako, muntik na ako ma-out of balance. Buti nalang mabilis ko siyang naghawakan. Tiningnan ko siya sa mga mata.
      “Ibang klase karin eh no. You’re saying that you love me nang pagalit?! Pero infairness effective kasi for a second natakot mo ako. Tska mas lalo ka pong gumwapo. Hahaha!”
      “Tse!”
      “Teka, teka! Hindi mo manlang ba itatanong sa akin kung ano nararamdaman ko ha?!”
      “Eh bakit pa eh parang wala rin naman sa’yo eh.”
      “Timang ka talaga. Ever since magkakilala tayo alam ko ikaw na talaga. You’re like my soulmate. I know it sounds crazy but it’s true. You’re like the one who completes me. Jose Luis Torres IV I have loved you ever since the beginning of time. You have no idea how happy I felt when you finally said those three special words to me. And yes, I do love you too—with all my heart, all my soul.”

      He touched my hair; my cheeks and held my face and looked into my eyes as if he can see into the deepest parts of my soul. The world around us was like in slow motion. And slowly his soft lips touched mine and in that moment, I knew that this ain’t goodbye. 

No comments:

Post a Comment